Tungkol sa programa: Mahimbing na pagtulog

Isang napatunayang na lapit sa Cognitive Behavioural Therapy (CBT) upang tulungan kang mapagtagumpayan ang mga kahirapan sa pagtulog.

Program:
Serye ng mga yugto na kinukumpleto online sa pamamagitan ng aming platform na Medicare Mental Health Check In

Tagal:
Ipinamamahagi sa loob ng humigit-kumulang 6 na linggo, na may opsyon para sa extension kung kinakailangan

Format:
May gabay ng practitioner o Sariling Gabay

Paano makakatulong ang programang ito

Ang pagkakaroon ng problema sa iyong pagtulog paminsan-minsan ay karaniwan, lalo na kapag nakaka-stress ang buhay. Ngunit kapag ang mga isyu sa pagtulog ay nagsimulang makaapekto sa iyong nararamdaman, sa iyong enerhiya, konsentrasyon, o kakayahang humarap sa pang-araw-araw na gawain, maaaring senyales ito na nasa ilalim ng tensyon ang iyong sistema sa pagtulog.  

Sa pamamagitan ng malasakit, suporta at maliliit na hakbang, ang iyong pagtulog ay magsisimulang bumalik sa dati nitong pattern. Marapat kang magpahinga, at may makukuhang tulong kung kailangan mo ito.

Nag-aalok ang programang ito ng mga praktikal at nakabatay sa ebidensyang estratehiya upang matulungan kang makakuha nang mas mahimbing na pagtulog at muling maramdaman ang dating ikaw. Nakabatay ito sa mga itinatag na klinikal na alituntunin.

Balangkas ng programa

Pag-explore sa mga kahirapan sa pagtulog
Pagsusuri sa iyong pagtulog
Pag-uugnay ng kama at pagtulog
Pananatiling maayos

Ano ang kasama

Mga yugtong nakabatay sa kuwento na nagtuturo ng mga pangunahing kasanayan sa pagharap sa problema

Mga ehersisyo na idinisenyo upang tulungan kang harapin ang iyong mga sintomas

Mga praktikal na plano ng pagkilos upang i-apply ang iyong mga bagong kasanayan sa pang-araw-araw na buhay

Mga paalala sa email upang mapanatili kang nasa tamang landas

Mga questionnaire upang matulungan kang subaybayan ang iyong kabutihang pangkaisipan.

Access sa pagsubaybay sa talaarawan sa pagtulog.

Program screen with mood check questionnaire and activities

Mga kasanayang maaari mong makuha

  • Pagtukoy sa mga hindi nakatutulong na pagkilos at gawi: pagkilala sa mga hindi nakatutulong na pattern na nakaka-impluwensya sa ating kakayahang makakuha ng mahimbing na pagtulog.

  • Pagbabago o muling pagbabalangkas ng kaisipan: pagkuwestiyon at pagpapalit sa mga akala tungkol sa iyong pagtulog upang makabuo ng mas mahuhusay na gawi.

  • Mga mekanismo ng pagharap: paggamit ng mga praktikal na tool at teknik upang makawala sa hindi nakatutulong na siklo ng pagtulog.

  • Kamalayan sa sarili at pagsubaybay sa sarili: pag-unawa kung paano nagkakaugnay ang mga emosyon, kaisipan, damdamin, at aksyon.

Mga landas na may gabay ng practitioner kumpara sa sariling gabay

Maaari mong piliing gawin ang programa nang mag-isa, o may gabay mula sa isang practitioner ng Medicare Mental Health Check In. Tingnan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga landas na ito sa ibaba.

 May gabay ng practitionerSarling Gabay
Pagpili ng programaTinutukoy kasama ang iyong practitionerTinutukoy mo mismo
SuportaMga check-in kasama ang iyong practitionerGanap na sariling gabay
Para kanino itoMga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhayMga banayad na sintomas, yaong mga nakakayang unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay
Pagpili ng programa
May gabay ng practitioner
Tinutukoy kasama ang iyong practitioner
Sarling Gabay
Tinutukoy mo mismo
Suporta
May gabay ng practitioner
Mga check-in kasama ang iyong practitioner
Sarling Gabay
Ganap na sariling gabay
Para kanino ito
May gabay ng practitioner
Mga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay
Sarling Gabay
Mga banayad na sintomas, yaong mga nakakayang unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay

Ito ba ay para sa akin?

Ang programang ito ay maaaring angkop para sa iyo kung naghahanap ka ng suporta sa iyong paglalakbay sa kabutihang pangkaisipan at nais mong kontrolin kung paano at kailan mo matatanggap ang suportang iyon.

Ang programang ito ay angkop para sa mga taong:  

  • ay higit sa 16 na taong gulang
  • nais subukan ang isang banayad na paraan sa pagpapabuti ng kanilang kalusugang pangkaisipan.

Ang programang ito ay hindi angkop para sa mga taong:

  • wala pang 16 na taong gulang
  • nangangailangan ng tulong para sa mas malala o masalimuot na mga pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan 
  • ay nangangailangan ng agarang pangangalaga. 

Ano ang susunod?

Alamin kung ang serbisyong ito ay angkop para sa iyo sa pamamagitan ng pagtawag sa Medicare Mental Health.  

I-explore ang aming iba pang mga programa

Gaano nakatulong ang pahinang ito?