Tungkol sa programa: Balanseng pag-iisip

Isang napatunayang approach na Low-intensity Cognitive Behavioural Therapy (LiCBT) upang matulungan kang pamahalaan ang mga emosyonal na hamon.

Program:
Serye ng mga yugto na kinukumpleto online sa pamamagitan ng aming platform na Medicare Mental Health Check In

Tagal:
Ipinamamahagi sa loob ng humigit-kumulang 6 na linggo, na may opsyon para sa extension kung kinakailangan

Format:
May gabay ng practitioner o Sariling Gabay

Paano makakatulong ang programang ito

Kapag ang buhay ay nakaka-stress o mabigat, ang iyong mga kaisipan ay maaaring magparamdam sa iyo na ikaw ay lubhang nalulula. Maaari itong makaapekto sa iyong mga emosyon, pagppiilian, relasyon, at magparamdam sa iyo na ikaw ay nakakulong.  

Kung madalas kang magkaroon ng negatibong kaisipan, labis na pag-aalala, labis na pag-iisip sa mga bagay-bagay, o inaasahan ang pinakamasama, ang programang ito ay makakatulong sa iyo na mag-isip sa ibang paraan at magkaroon ng mas balanseng pakiramdam. Gagabayan ka nito sa 2 napatunayang teknik – Paghamon sa Kaisipan at mga Pagsubok sa Kaisipan. Ang mga teknik na ito ay makakatulong sa iyo na gumawa ng maliliit at kayang gawin na mga hakbang upang mapamahalaan ang iyong mga hindi nakakatulong na kaisipan.

Nakabatay ito sa mga itinatag na klinikal na alituntunin.

Balangkas ng programa

Pagkakaroon ng mga nakakalulang kaisipan
Lumikha ng mas balanseng pag-iisip
Subukan ang iyong mga kaisipan
Pagsasanay ng Pagtukoy ng Kaisipan
Pananatiling maayos

Ano ang kasama

Mga yugtong nakabatay sa kuwento na nagtuturo ng mga pangunahing kasanayan sa pagharap sa problema

Mga ehersisyong idinisenyo upang tulungan kang pamahalaan ang iyong kabutihang pangkaisipan

Mga praktikal na teknik upang makatulong na maputol ang mga negatibong siklo ng kaisipan.

Mga paalala sa email upang mapanatili kang nasa tamang landas

Mga questionnaire upang matulungan kang subaybayan ang iyong kabutihang pangkaisipan.

Program screen with mood check questionnaire and activities

Mga kasanayang maaari mong makuha

  • Pagtukoy sa mga hindi nakakatulong na kaisipan at paniniwala: pagkilala sa mga hindi nakakatulong na pattern ng pag-iisip na nakakaapekto sa nararamdamang pisikal, emosyon, at pagkilos. 

  • Pagbabago o muling pagbabalangkas ng kaisipan: pag-unawa sa ugnayan sa pagitan ng mababang mood at mahihirap na kaisipan at kung ano ang makakatulong upang makawala sa mga siklo ng hindi nakakatulong na pag-iisip. 

  • Emosyonal na regulasyon: pamamahala ng matitinding emosyon sa mas malusog at mas epektibong paraan. 

  • Mga mekanismo sa pagharap: paggamit ng mga praktikal na teknik upang matulungan kang kuwestyunin ang mahihirap na kaisipan at makahanap ng mas balanseng paraan ng pag-iisip. 

  • Kamalayan sa sarili at pagsubaybay sa sarili: pag-unawa kung paano nagkakaugnay ang mga emosyon, kaisipan, damdamin, at aksyon. 

Mga landas na may gabay ng practitioner kumpara sa sariling gabay

Maaari mong piliing gawin ang programa nang mag-isa, o may gabay mula sa isang practitioner ng Medicare Mental Health Check In. Tingnan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga landas na ito sa ibaba.

 May gabay ng practitionerSarling Gabay
Pagpili ng programaTinutukoy kasama ang iyong practitionerTinutukoy mo mismo
SuportaMga check-in kasama ang iyong practitionerGanap na sariling gabay
Para kanino itoMga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhayMga banayad na sintomas, yaong mga mas gustong mag-isa at unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay
Pagpili ng programa
May gabay ng practitioner
Tinutukoy kasama ang iyong practitioner
Sarling Gabay
Tinutukoy mo mismo
Suporta
May gabay ng practitioner
Mga check-in kasama ang iyong practitioner
Sarling Gabay
Ganap na sariling gabay
Para kanino ito
May gabay ng practitioner
Mga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay
Sarling Gabay
Mga banayad na sintomas, yaong mga mas gustong mag-isa at unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay

Ito ba ay para sa akin? 

Ang programang ito ay maaaring angkop para sa iyo kung naghahanap ka ng suporta sa iyong paglalakbay sa kabutihang pangkaisipan at nais mong kontrolin kung paano at kailan mo matatanggap ang suportang iyon. 

Ang programang ito ay angkop para sa mga taong:

  • ay 16 na taong gulang pataas
  • gustong sumubok ng isang low-intensity na diskarte sa pagpapabuti ng kanilang kalusugang pangkaisipan.

Ang programang ito ay hindi angkop para sa mga taong:

  • wala pang 16 na taong gulang
  • nangangailangan ng tulong para sa mas malala o masalimuot na mga pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan
  • ay nangangailangan ng agarang pangangalaga.

Ano ang susunod?

Alamin kung ang serbisyong ito ay angkop para sa iyo sa pamamagitan ng pagtawag sa Medicare Mental Health.   

I-explore ang aming iba pang mga programa

Gaano nakatulong ang pahinang ito?