Tungkol sa programa: Pag-angat ng iyong mababang mood
Isang napatunayang Low-intensity Cognitive Behavioural Therapy (LiCBT) upang matulungan kang pamahalaan ang mababang mood.
Program:
Serye ng mga yugto na kinukumpleto online sa pamamagitan ng aming platform na Medicare Mental Health Check In
Tagal:
Ipinamamahagi sa loob ng humigit-kumulang 6 na linggo, na may opsyon para sa extension kung kinakailangan
Format:
May gabay ng practitioner o Sariling Gabay
Paano makakatulong ang programang ito
Naiiba ang karanasan ng bawat isa patungkol sa mababang mood, ngunit kung sa palagay mo ay matagal na itong nararanasan at paulit-ulit na lamang sa isang siklo, makakatulong ang programang ito.
Habang maraming bagay ang nasa labas ng aming kontrol na maaaring mag-ambag sa mababang mood, ang programang ito ay nakatuon sa isang bagay na nasa iyong kontrol: isang karaniwang pattern ng pagkilos na madalas na lumilitaw kapag mababa ang mood, at isang estratehiya upang makawala dito.
Ginagabayan ka ng programang ito gamit ang isang teknik ng CBT na tinatawag na 'pagpaplano ng aktibidad' na makakatulong na makawala sa iyong siklo ng mababang mood sa pamamagitan ng dahan-dahang pagpapakilala ng istruktura, kasiyahan, koneksyon, at pakiramdam ng tagumpay sa iyong araw. Nakabatay ito sa mga itinatag na klinikal na alituntunin.
Balangkas ng programa
Ano ang kasama
Mga yugtong nakabatay sa kuwento na nagtuturo ng mga pangunahing kasanayan sa pagharap sa problema
Mga ehersisyong idinisenyo upang tulungan kang pamahalaan ang iyong kabutihang pangkaisipan
Mga praktikal na teknik upang makatulong na putulin ang siklo ng mababang mood
Mga paalala sa email upang mapanatili kang nasa tamang landas
Mga questionnaire upang matulungan kang subaybayan ang iyong kabutihang pangkaisipan.


Mga kasanayang maaari mong makuha
Pagtukoy sa mga hindi nakakatulong na kaisipan at paniniwala: pagkilala sa mga hindi nakakatulong na pattern ng pag-iisip na nakakaimpluwensya sa mga emosyon at pagkilos.
Pagbabago o muling pagbabalangkas ng kaisipan: pag-unawa sa ugnayan sa pagitan ng nabawasang aktibidad at mababang mood at kung ano ang makakatulong upang makawala sa hindi nakakatulong na siklo.
Emosyonal na regulasyon: pamamahala ng matitinding emosyon sa mas malusog at mas epektibong paraan.
Mga mekanismo sa pagharap: paggamit ng mga praktikal na teknik upang dahan-dahang magpasok ng istruktura, kasiyahan, koneksyon, at pakiramdam ng tagumpay sa ating araw.
Kamalayan sa sarili at pagsubaybay sa sarili: pag-unawa kung paano nagkakaugnay ang mga emosyon, kaisipan, damdamin, at aksyon.
Mga landas na may gabay ng practitioner kumpara sa sariling gabay
Maaari mong piliing gawin ang programa nang mag-isa, o may gabay mula sa isang practitioner ng Medicare Mental Health Check In. Tingnan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga landas na ito sa ibaba.
| May gabay ng practitioner | Sarling Gabay | |
|---|---|---|
| Pagpili ng programa | Tinutukoy kasama ang iyong practitioner | Tinutukoy mo mismo |
| Suporta | Mga check-in kasama ang iyong practitioner | Ganap na sariling gabay |
| Para kanino ito | Mga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay | Mga banayad na sintomas, yaong mga mas gustong mag-isa at unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay |
| Pagpili ng programa | ||
| May gabay ng practitioner Tinutukoy kasama ang iyong practitioner | ||
| Sarling Gabay Tinutukoy mo mismo | ||
| Suporta | ||
| May gabay ng practitioner Mga check-in kasama ang iyong practitioner | ||
| Sarling Gabay Ganap na sariling gabay | ||
| Para kanino ito | ||
| May gabay ng practitioner Mga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay | ||
| Sarling Gabay Mga banayad na sintomas, yaong mga mas gustong mag-isa at unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay |
Ito ba ay para sa akin?
Ang programang ito ay maaaring angkop para sa iyo kung naghahanap ka ng suporta sa iyong paglalakbay sa kabutihang pangkaisipan at nais mong kontrolin kung paano at kailan mo matatanggap ang suportang iyon.
Ang programang ito ay angkop para sa mga taong:
- ay 16 na taong gulang pataas
- gustong sumubok ng isang low-intensity na diskarte sa pagpapabuti ng kanilang kalusugang pangkaisipan.
Ang programang ito ay hindi angkop para sa mga taong:
- wala pang 16 na taong gulang
- nangangailangan ng tulong para sa mas malala o masalimuot na mga pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan
- ay nangangailangan ng agarang pangangalaga.
Ano ang susunod?
Alamin kung ang serbisyong ito ay angkop para sa iyo sa pamamagitan ng pagtawag sa Medicare Mental Health.