Tungkol sa programa: Pamamahala sa Iyong Pag-aalala

Isang napatunayang approach na Low-intensity Cognitive Behavioural Therapy (LiCBT) upang matulungan kang mabawasan ang pag-aalala at makaramdam ng mas kalmado at mas balanse.

Program:
Serye ng mga yugto na kinukumpleto online sa pamamagitan ng aming platform na Medicare Mental Health Check In

Tagal:
Ipinamamahagi sa loob ng humigit-kumulang 6 na linggo, na may opsyon para sa extension kung kinakailangan

Format:
May gabay ng practitioner o Sariling Gabay

Paano makakatulong ang programang ito

Lubos na normal ang makaramdam ng pag-aalala o paminsan-minsang pagkabalisa. Ngunit kapag nagsimula nang mangibabaw ang pag-aalala, maaari nitong negatibong maapektuhan ang iyong pang-araw-araw na buhay, at maaari itong maging lubhang nakakalula.

Sa pamamagitan ng malasakit, kaalaman, at suporta, ang pag-aalala at pagkabalisa ay maaaring maging isang bagay na mauunawaan mo at matututuhan mong harapin sa halip na isang bagay na nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na buhay.

Ginagabayan ka ng programang ito sa 2 pamamaraan ng CBT – Oras ng Pag-alala at Paglutas ng Problema – na makatutulong upang makawala sa siklo ng pag-aalala at suportahan ka upang gumaan ang iyong pakiramdam. Tutulungan ka ng mga teknik na ito na gumawa ng maliliit at kayang-kayang mga hakbang, lalo na sa mahihirap na panahon kapag ang mga bagay-bagay ay tila nakakalula. Ang programa ay nakabatay sa mga itinatag na klinikal na alituntunin.

Balangkas ng programa

Nakakaranas ng pag-aalala.
Pagtukoy sa mga pag-aalala
Pagharap sa mga pag-aalala – Oras ng Pag-alala.
Pagharap sa mga pag-aalala – Paglutas ng Problema.
Pananatiling maayos

Ano ang kasama

Mga yugtong nakabatay sa kuwento na nagtuturo ng mga pangunahing kasanayan sa pagharap sa problema

Mga ehersisyong idinisenyo upang tulungan kang pamahalaan ang iyong kabutihang pangkaisipan

Mga praktikal na teknik upang makatulong na putulin ang siklo ng pag-aalala at lutasin ang mga problema.

Mga paalala sa email upang mapanatili kang nasa tamang landas

Mga questionnaire upang matulungan kang subaybayan ang iyong kabutihang pangkaisipan.

Program screen with mood check questionnaire and activities

Mga kasanayang maaari mong makuha

  • Pagtukoy sa mga hindi nakakatulong na kaisipan at paniniwala: pagtukoy sa mga hindi nakakatulong na pattern ng pag-iisip na nakakaimpluwensya sa mga nararamdaman, emosyon, at pagkilos.

  • Pagbabago o muling pagbabalangkas ng kaisipan: pag-unawa sa mga pattern na nagpapanatili sa pag-aalala at kung ano ang makatutulong upang makawala sa siklo ng pag-aalala. 

  • Emosyonal na regulasyon: pamamahala ng matitinding emosyon sa mas malusog at mas epektibong paraan. 

  • Mga mekanismo sa pagharap: paggamit ng mga praktikal na teknik upang dahan-dahang makatulong sa pagharap sa iba't ibang uri ng pag-aalala na maaaring maranasan mo at paglampas sa mga hamon.

  • Kamalayan sa sarili at pagsubaybay sa sarili: pag-unawa kung paano nagkakaugnay ang mga emosyon, kaisipan, damdamin, at aksyon. 

Mga landas na may gabay ng practitioner kumpara sa sariling gabay

Maaari mong piliing gawin ang programa nang mag-isa, o may gabay mula sa isang practitioner ng Medicare Mental Health Check In. Tingnan ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga landas na ito sa ibaba.

 May gabay ng practitioner Sarling Gabay
Pagpili ng programa Tinutukoy kasama ang iyong practitioner Tinutukoy mo mismo 
Suporta Mga check-in kasama ang iyong practitioner Ganap na sariling gabay  
Para kanino ito Mga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay  Mga banayad na sintomas, yaong mga mas gustong mag-isa at unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay 
Pagpili ng programa 
May gabay ng practitioner 
Tinutukoy kasama ang iyong practitioner 
Sarling Gabay
Tinutukoy mo mismo 
Suporta 
May gabay ng practitioner 
Mga check-in kasama ang iyong practitioner 
Sarling Gabay
Ganap na sariling gabay  
Para kanino ito 
May gabay ng practitioner 
Mga banayad na sintomas, yaong mga nagnanais ng suporta sa paglalapat ng mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay 
Sarling Gabay
 Mga banayad na sintomas, yaong mga mas gustong mag-isa at unti-unting ilapat ang mga kasanayan sa kanilang pang-araw-araw na buhay 

Ito ba ay para sa akin?

Ang programang ito ay maaaring angkop para sa iyo kung naghahanap ka ng suporta sa iyong paglalakbay sa kabutihang pangkaisipan at nais mong kontrolin kung paano at kailan mo matatanggap ang suportang iyon. 

Ang programang ito ay angkop para sa mga taong:

  • ay 16 na taong gulang pataas
  • gustong sumubok ng isang low-intensity na diskarte sa pagpapabuti ng kanilang kalusugang pangkaisipan.

Ang programang ito ay hindi angkop para sa mga taong:

  • wala pang 16 na taong gulang
  • nangangailangan ng tulong para sa mas malala o masalimuot na mga pangangailangan sa kalusugang pangkaisipan
  • ay nangangailangan ng agarang pangangalaga.

Ano ang susunod?

Alamin kung ang serbisyong ito ay angkop para sa iyo sa pamamagitan ng pagtawag sa Medicare Mental Health.   

I-explore ang aming iba pang mga programa

Gaano nakatulong ang pahinang ito?